30 August 2011

Blank

Now what? What am I going to write?
Will I write about my excitement for my upcoming Iloilo trip?
Or will I write about someone? And if it would be someone, who would that be?
I just do not know what to write.

15 July 2011

July 15 It's Friday I'm in Love

My planner tells me that it is Friday and I am in love.

I am not in love with anyone but I have a crush on someone. Like is not the appropriate word but I find him very interesting. :)

It's so highschool but there are times that he makes me smile and I feel happy talking with him.
He talks with sense.

Hmmm..that's it.
Maybe, I admire. Maybe, I am a fan.

:)

02 June 2011

Tara, Picture na!

Napansin ko lang na ang mga Pinoy ang hilig magpicture. Picture doon, picture dyan, kahit saan maski CR di pinatawad. Pati nga sa kalsada na walang dumadaan na sasakyan ay pinapatulan. Meron pa ngang mga tao na dokumentado ang kanilang paglalakbay, ultimo pagsakay ng jeep, tricycle, pagkuha ng tiket, pagsakay at pagbaba ng eroplano, pagtuntong ng paa sa ibang lugar,kulang na lang pati pagdumi sa banyo makunan din. Pero nakakatuwa naman tong gawin di ba?! May batas ba na nagsasabing bawal kumuha ng litrato habang nasa jeep? May batas ba na nagsasaad na bawal magpapicture pag bumaba ng eroplano? May alam ka ba? Kung meron, ipaalam mo naman.

Para sa akin, walang kaso kung saang bahagi ka pa ng mundo magpapicture basta ba’t wala kang naaagrabyado at wala kang nalalabag na batas, e di picture lang ng picture. Dalawa lang naman ang magpapahinto sa iyo sa pagpipicture, pag wala ng charge ang battery ng cam mo o kaya wala ng memory ang SD card mo. Tapos ang usapan. Pero pag nakapagcharge na at may free space na ulit, back to photo op na naman, walang sawa.

Pero napansin mo ba kung sinu-sino o anong uri ng mga tao ang mahilig magpicture? Hmm. Bigyan kita ng mga halimbawa. Una, ang mga NARCISSISTS. Friendster pa lang, patok na sila. Puro mukha nila ang pinipiktyuran, iba’t ibang anggulo lang. Siyempre pag maganda yung babae or gwapo ung lalake(pero bihira to sa mga lalake), masarap titigan ang mga picture nila pero kung wala namang K magpicture nang napakaraming beses at iisa lang ang pose, nakakaumay at ang sarap iblock sa FB o kaya report as spam. Haha. Joke lang. Pagbigyan natin sila. Siyempre, love yourself nga di ba. Pero sige, pansinin mo at bilangin mo kung ilan sa mga Facebook friends mo ang may 100 plus profile pictures (Oops,parang tinamaan ata ako run. LOL!)

Ikalawa, ang mga BEST IN LUKOT FACE AWARDEES. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan lukutin ang mukha pag nagpapapicture. Ikinagaganda ba ito ng isang babae? Dagdag pogi points ba ito? Alam kong may wacky pose pero kung halos lahat naman ng pictures ay puro lukot ang face, nakakaloka naman di ba?! So maganda o gwapo ka pag ganun?! Anong say mo?!

Ikatlo, PHOTOGRAPHER AKO vs. FEELING PHOTOGRAPHER AKO. Nagkalat sila sa Facebook at Multiply, ang mga real at feeling real photographers. Sila yung mga taong nakikita mong nagpopost ng mga album/portfolio nila. Sila rin yung mga taong naglalagay ng label sa pictures nila. Halimbawa, “Coco Martin Photography.” Pero paano mo madidistinguish ang totoo sa mula sa nagfifeeling lang? Hmm..ikaw na lang ang humusga. Basta para sa akin, ang tunay na photographer , ano pa mang camera ang gamit niya, maglalabas at maglalabas yan ng magandang kuha kasi he or she has the “eye”, captured ang “decisive moments.” E ang mga feeling photographer, umaasa sa autofocus ng DSLR o high-tech digi cams nila. Pero sabi nga, kanya-kanyang trip yan, walang basagan ng trip!

Ikaapat, DORA THE EXPLORER. Sila yung mga taong mahilig maglakwatsa, kumain sa kung saan-saan, pumunta sa Norte, sa Timog, sa Kanluran, o sa Silangan. Sila yung mahilig bumyahe taun-taon, buwan-buwan, linggu-linggo, at araw-araw. Nakakatuwa ang mga taong ganito kasi shineshare lang naman nila yung experiences nila at napapakita nila kung gaano kaganda ang isang lugar.

At ikalima, ang LOVERS. Okay, dinaga at nilanggam na ang Facebook, Multiply, at Tumblr sa kakesohan at katamisan ng mga magboyfriend. Sinasabi ko sayo, dokumentado yan. First monthsary, second, third year anniversary, etc. Ang tatamis sa mga picture, parang forever na pero forever nga ba?! Pero ok lang naman to, wag lang sobra, ung tipong buong albums mo sa Facebook ay yung boyfriend or girlfriend mo lang ang kasama mo. Siya lang ba ang tao sa mundo mo? Siya lang? Naku mahirap yan teh, kuya! Haha.


Ito ay resulta lang naman ng aking pamamasid. May mga gusto pa nga akong idagdag lalo na’t ngayon napansin ko na madami na rin sa mga magulang ang mahilig magFacebook. Hello sa Nanay at Tatay ko! Haha. So, ito na lang, isa ka ba sa nabanggit ko? O may sarili kang kategorya? ☺

Tara, picture na!

23 April 2011

Bago Kong Crush




Sa Endless Love 1 siya unang lumabas pero hindi ko siya naging crush dahil ang crush ko yung gumanap kay Andrew. Pero ngayon, siya na ang super crush ko! Ang gwapo ni SONG SEUNG HUN! I kras him! I love him!








^_^ Kinikilig ako sa kanya. Kilig to the bones. ^_^

Walang Maisulat

Wala akong maisulat dahil tinatamad akong magsulat.
Dapat magsusulat ako ngayon pero dahil tinatamad ako wala tuloy akong maisulat.
Dapat ba laging sinisipag para makapagsulat?
Kailangan pa ba ng inspirasyon or heartache para makagawa ng maayos na blog entry?
O kailangan may nakalaan na pera sa bawat titik o salita na lilikhain ko?

Wala akong maisulat.
Pwede na ba to?!

:|

01 April 2011

Love and Hate Me

I am not perfect.
I have good and bad characteristics.
I may be loved because of my good traits but I can also be hated because of my bad attitude.
I am not a bitch. But sometimes, I tend to be selfish, immature, childish, and insensitive.
Well, that's me. And it's up to you; just love or hate me for who I am and for who I am not.
:)

22 March 2011

Different Names, One Person

People call me...




Anna.
Annabanana.
Annapheng.
Jo.
Anah.
Nani.
Joanna.
Dahlene/Dahling.
Maria.
Badap.
Annabels.
Siz.
Gabs.









I may be called by different names but I remain as the same person you know.
:)